Home HOME BANNER STORY Rep. Tiangco, bukas maging witness sa impeachment case ni Pangulong Marcos

Rep. Tiangco, bukas maging witness sa impeachment case ni Pangulong Marcos

223
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Navotas Rep. Toby Tiangco na bukas siyang maging witness sa impeachment case ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., lalo na tungkol sa umano’y confrontation ng Pangulo at dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng pambansang badyet.

Ito ay kasunod ng pananaw ng ilang observer na naging “complicit” umano si Marcos dahil pinirmahan pa rin niya ang badyet kahit nalaman na may problema ito.

Hindi ito sinang-ayunan ni Tiangco at sinabi niyang handa niyang linawin ang isyu kung siya ay ipapatawag.

“Because if it’s there in that complaint, what I would tell you is I would rather speak under oath if called as a witness,” ani Tiangco sa isang panayam noong Enero 27.

“I am willing to say whatever I have to say. I am willing to say the truth under oath. Walang problema sa akin ’yon,” dagdag niya.

Nilinaw ni Tiangco na ang alegasyong alam umano ni Marcos ang katiwalian sa badyet ay lumabas sa impeachment complaint na inihanda ng grupo ng mga abogado na pinamunuan ni dating Rep. Mike Defensor, ngunit hindi ito opisyal na naihain sa Kamara.

Si Tiangco ang unang nagbunyag noong nakaraang taon na kinompronta umano ni Marcos si Romualdez sa Malacañang hinggil sa badyet, noong Speaker pa si Romualdez at chairman pa ng Appropriations Committee si Zaldy Co.

Noong Enero 26, opisyal nang sinimulan ng House of Representatives ang impeachment proceedings laban kay Marcos matapos i-refer sa Committee on Justice ang dalawang impeachment complaints. Dahil dito, hindi na maaaring maghain ng panibagong reklamo laban sa Pangulo. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here