Home NATIONWIDE Repair ng mahigit 1K klasrum na nasira ni Opong sa Masbate, target...

Repair ng mahigit 1K klasrum na nasira ni Opong sa Masbate, target ng DPWH

297
0

MANILA, Philippines – Target ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagsasaayos ng mahigit 1,000 silid-aralan na sinira ng Bagyong Opong sa Masbate sa susunod na dalawang buwan.

“Mahigit 1,000 classrooms ‘yung nasira (sa Masbate). Marami doon halos total ‘yung damage,” pagbabahagi ni DPWH Secretary Vince Dizon sa panayam ng DZBB nitong Linggo, Oktubre 5.

“Ang deadline na sine-set natin is hopefully, within two months matapos natin lahat ‘yung mga nasira,” dagdag pa niya.

Matatandaan na nag-landfall ang Bagyong Opong sa Masbate noong Setyembre 27 kung saan libo-libong pamilya ang naapektuhan at milyong pisong halaga ng imprastruktura ang nasira sa probinsya.

Dahil dito ay isinailalim sa state of calamity ang buong probinsya ng Masbate.

Nauna nang naglunsad ang Department of Education ng rapid response operations para suportahan ang mga paaralan at komunidad na apektado ng mga kalamidad. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here