Home NATIONWIDE Pope Leo nakiramay sa mga biktima ng lindol sa Cebu

Pope Leo nakiramay sa mga biktima ng lindol sa Cebu

334
0

MANILA, Philippines – Muling ipinahayag ni Pope Leo XIV nitong Linggo, Oktubre 5 ang kanyang pakikiramay at malasakit sa mga taong naapektuhan ng lindol na tumama sa Cebu noong nakaraang linggo.

Ayon sa CBCP, tiniyak ng Papa ang kanyang panalangin para sa mga komunidad na sinalanta ng 6.9 magnitude na lindol sa kanyang Angelus nitong Linggo sa St. Peter’s Square sa Vatican.

Kumitil ng nasa 71 katao at mahigit 500 sugatan habang napinsala ang maraming bahay, gusali kabilang ang ilang simbahan.

Nagtulong-tulong na ang mga diocese sa ibat-ibang bahagi ng bansa upang magpadala ng tulong sa mga apektadong komunidad kabilang ang probinsya ng Masbate at Romblon.

Naglunsad na rin ng donation at relief drive ang Archdiocese of Cebu para sa mga komunidad na apektado ng kalamidad, ayon sa CBCP. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here