Home NATIONWIDE Rehabilitasyon ng mga nasirang imprastruktura sa Cebu quake sisimulan ngayong linggo

Rehabilitasyon ng mga nasirang imprastruktura sa Cebu quake sisimulan ngayong linggo

341
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na sisimulan na nito ang rehabilitasyon sa mga nasirang key infrastructure sa northern Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol.

“‘Yung rehabilitation, ‘yung permanenteng pagsasaayos, sisimulan this week, itong linggong ito, bukas na bukas,” pahayag ni Public Works Secretary Vince Dizon.

Ani Dizon, mahigit P2.5 bilyong halaga ng pinsala sa kalsada at mga tulay ang naitala.

“Wala pa diyan ‘yung structures. ‘Yung mga eskuwelahan, ‘yung mga ospital, wala pa ‘yan. So, tataas pa ‘yan,” sinabi pa ni Dizon.

Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, may kabuuang 713 imprastruktura sa Central Visayas ang napinsala ng lindol na tumama sa Bogo City, Cebu noong nakaraang linggo.

Bukod pa ito sa 18,154 tirahan sa rehiyon na napinsala kung saan 3,507 dito ang totally damaged. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here