Home NATIONWIDE Pagbibitiw ni Magalong sa ICI ‘di kagustuhan ni PBBM – Malakanyang

Pagbibitiw ni Magalong sa ICI ‘di kagustuhan ni PBBM – Malakanyang

317
0

MANILA, Philippines – HINDI ginusto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang special adviser sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ang pagbibitiw sa puwesto ni Magalo sa ICI ay nauna nang inanunsyo ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro noong September 26 kung saan sinabi nito na nirerebisa ng legal team ni Pangulong Marcos ang kanyang appointment sa posibleng ‘conflict of interest’ sa pagiging Alkalde ng Baguio City.

Sinabi ni Castro na tinitingnang mabuti ng mga abogado kung simple lamang na ipawalang-saysay ang appointment ni Magalong sa ICI, dahilan para magalit ang Pangulo.

Sa resignation letter ni Magalong kay Pangulong Marcos, sinabi nito na ang mga pahayag ng Pangulo ay “undermined the role and mandate entrusted to me.”

Winika pa rin ni Magalong na magpapatuloy ang kampanya laban sa korapsyon sa kabila ng pag-alis niya sa ICI.

Subalit sa isang panayam kay Castro, sinabi nito na nais lamang malaman ng Malakanyang ang posibleng ‘conflict of interest’ kaugnay sa magiging papel ni Magalong bilang special adviser at Baguio City mayor.

Nais lamang aniyang masiguro ng Pangulo na walang paglabag sa Konstitusyon at Local Government Code sa pagkakatalaga kay Magalong.

“’Yun lang naman yung gustong patignan,” ani Castro.

Sinabi pa ni Castro na ang i-double checking ang kanyang papel ay “not meant to throw Magalong under the bus.”

Ito ani Castro ay walang kinalaman sa alegasyon sa tennis court project sa Baguio City na in-award sa isang kompanya na nag-uugnay sa high-profile contractors na sina Curlee and Sarah Discaya.

“Sa kasamaang palad siya ay bumitaw kaagad kahit hindi naman yan ang nais ng Pangulo,” ang pahayag ni Castro.

Maliban dito, nilinaw din ni Castro na hindi niya sinagot ang anumang tanong kaugnay sa tennis court sa isinagawang Palace briefing, binigyang diin na ang sinabi lamang niya ay paglilinaw sa “double role” ni Magalong sa gobyerno.

Nauna rito, tinawag naman ni Magalong na “below the belt” ang mga akusasyon na ibinabato laban sa kanya matapos na idawit siya sa P118-million tennis court itinayo ng isang kompanya na pag-aarai ng mga Discayas.

“Hindi tayo ang nag-bring up niyan,” aniya pa rin.

Samantala, pinanindigan naman ni Magalong na ang tennis court project ay dumaan sa transparent bidding noong 2022.

Sinabi pa rin niya na nagsagawa na ng third-party audit sa mga proyekto ng Discaya sa Baguio, kabilang na ang tennis court. Tinukoy din ni Magalong na ang tennis court ay mayroong ‘minor defects’ gaya ng pagkakalagay ng pavement o semento dahilan para matanggal ang pintura.

Tinuran pa rin ni Magalong na hanggang ngayon ay hindi pa rin ibinibigay ng Baguio City LGU ang natitirang P26-milyong kabayaran sa St. Gerrard Construction. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here