Home NATIONWIDE P1M shabu nasamsam sa CDO buy-bust

P1M shabu nasamsam sa CDO buy-bust

395
0

MANILA, Philippines – Nasa tinatayang P1 milyon ang halag ang hinihinalang shabu na nasabat mula sa isang high value suspect sa buy-bust operation sa Cagayan de Oro City.

Sa pahayag, ikinasa ang joint police operation ng mga unit sa ilalim ni P/Brigadier General Edwin  Quilates, Director ng PNP Drug Enforcement Group, bandang 1:23 ng madaling araw ng Linggo, Oktubre 5 sa Zone 11, Barangay Patag, Cagayan de Oro City.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto kay Alyas Migueldo, 48-anyos, isang High-Value Individual (HVI).

Nakuha mula sa kanya ang nasa 153 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,040,400.00.

Nasa kustodiya ng Special Operations Unit 10 ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP DEG) ang suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon, habang ang mga nakumpiskang droga ay ituturn-over sa Regional Forensic Unit 10 para sa laboratory examination. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here