Home NATIONWIDE Australian Embassy sarado ngayong araw sa pagdiriwang ng Labour Day

Australian Embassy sarado ngayong araw sa pagdiriwang ng Labour Day

370
0

MANILA, Philippines – Sarado ang Australian Embassy sa Makati City ngayong Lunes, Oktubre 6 bilang paggunita sa Labour Day ng Australia.

Sa abiso, sinabi ng Australian Embassy na magbabalik ang regular na operasyon nito bukas, Oktubre 7 mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Maaari namang kumontak ang mga Australian citizen sa kanilang 24-hour Consular Emergency Centre sa Canberra sa +61 2 6261 3305 para sa agarang tulong.

Ang Labour Day ay isang public holiday sa Australian Capital Territory, South Australia, at New South Wales. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here