MANILA, Philippines- Isang panukala na naglalayong ipagbawal ang pisikal na pagpapareserba ng parking sa mga parking slots ang inihain sa Kamara.
Ang House Bill 11076 o Mindful Parking Act ay inihain ni Akbayan Rep. Percival Cendaña, layon ng panukala na magkaroon na ng batas upang maiwasan ang tensyon sa usapin ng pisikal na pagpapa-reserve ng parking space.
Sinabi ni Cendan̈a na kailangang ma-regulate ang paggamit ng parking spaces para maging patas at maprotektahan ang bawat isa.
“It is necessary to regulate the use of limited spaces and resources to promote fairness among users and protect them from harm,” ani Cerdan̈a.
Nakasaad sa panukala na ang sinumang lalabag ay mapapatawan ng multa.
“The penalties include a P2,000 fine for the first offense, a P5,000 fine and six-month driver’s license suspension for the second offense, and a PHP10,000 fine with license revocation for the third offense” giit ng solon.
Maging ang mga establisimiyento ay inaatasan ding magpatupad ng polisiya ukol dito, ng sinumamg hindi makasusunod ay mapapatawan ng multang P10,000 hanggang P50,000.
Ang Land Transportation Office ang inaatasang magpatupad ng panukala sa oras na maisabatas. Gail Mendoza