Home NATIONWIDE Resource delivery pabibilisin ng Supplier’s Registry ng DepEd

Resource delivery pabibilisin ng Supplier’s Registry ng DepEd

MANILA, Philippines- Inilunsad ng Department of Education (DepEd) ang Supplier’s Registry platform na naglalayong pabilisin ang paghahatid ng learning resources sa lahat ng public schools sa buong bansa.

Ito’y matapos na makipagpulong ang mga opisyal ng DepEd sa 250 suppliers at service providers sa isinagawang unang Suppliers’ Summit na idinaos nito lamang Marso 19 hanggang 20.

Sa isang kalatas, binigyang-diin ni Education Secretary Sonny Angara ang kahalagahan ng papel ng mga supplier sa pagsusulong ng procurement reforms sa loob ng education sector.

“Sa ating mga suppliers at bidders, hindi lang kayo negosyo. Kayo ay kaagapay po natin sa reporma,” ang sinabi ng Kalihim.

Aniya pa, ang pagpapahusay sa procurement procedures ng departamento ay nangangahulugan ng quality education para sa mga mag-aaral sa public schools.

“Wala nang dahilan para maantala. Green light na para sa mas maayos na procurement, para sa dekalidad na edukasyon,” aniya pa rin.

Ang Supplier’s Registry ay accessible via https://suppliers.deped.gov.ph/, nagbibigay ng mga negosyo na may plataporma na “seamlessly connect” kasama ang DepEd’s procurement system at pinapayagan ang mga ito na lumikha at mangasiwa ng kanilang ‘profile, products, at business details.’

Pinagkakalooban din ng government-verified platform ang mga ito ng direct access sa real-time alerts mula sa DepEd pagdating sa ‘bidding o procurement announcements, policy changes, at industry updates.’

Ang registered businesses, gaya ng “browse, filter, and apply” para sa DepEd bidding sa pamamagitan ng streamlined system ng plataporma, pagbabawas sa “bureaucratic delays” at “inefficiencies.”

Tiniyak din ng DepEd ang seguridad ng plataporma sa pamamagitan ng authentication ng registered suppliers at transaction encryptions.

Iniulat pa ang mahalagang progreso sa pamamagitan ng Early Procurement Activities (EPA) sa ilalim ng liderato ni Angara.

Hanggang nitong Marso, may P1.9 bilyong halaga ng DepEd Computerization Program (DCP) ang iginawad.

Kabilang dito ang 64,000 laptops at TV packages; at P864 milyong halaga ng learning materials kabilang na ang 87 milyong modules at 74,000 tablets. Kris Jose