MANILA, Philippines- Malapit nang itayo ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) stores sa ilang housing projects ng National Housing Authority bilang bahagi na gawing mas accessible ang mga murang pagkain.
Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang KNP program ay hindi lamang isang inisyatiba kundi isang konkretong aksyon bilang tugon sa kasalukuyang ‘agricultural at economic challenges.’
“I am pleased to witness another milestone in the Kadiwa ng Pangulo program, expanding its reach to more Filipinos and reinforcing our commitment to food security, affordability, and accessibility,” ang sinabi ni Tiu Laurel.
Sa ulat, lumagda ang NHA at DA sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng mga produktong agrikultural sa piling resettlement sites ng NHA.
Pinangunahan mismo nina NHA Gen. Manager Joeben Tai at Agri Sec. Francisco Tiu-Laurel Jr. ang isinagawang paglagda ng kasunduan na layong palakasin ang seguridad sa pagkain at isulong ang sustainability habang tinutugunan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura.
“This memorandum of understanding between the Department of Agriculture and the NHA represents a crucial step in integrating food security into housing communities,” ang sinabi ni Tiu Laurel.
“Providing homes is essential, but true community development goes beyond shelter. It must also include sustainable food systems, livelihood opportunities, and economic stability,” dagdag na wika ni Tiu Laurel.
Binigyang-diin naman ni GM Tai na ang KADIWA ay naging mahalagang bahagi ng bawat NHA People’s Caravan upang matiyak na direktang nakikinabang ang mga komunidad sa mga inisyatiba ng programa.
“This is our way of helping residents in NHA housing projects improve their daily lives. The MOU also aims to enhance the livelihoods of our farmers,” ang sinabi ni Tai.
Sa ilalim ng MOU, tutulungan ng DA ang NHA na tukuyin ang mga lugar para sa KNP site establishment at bigyan ang housing body ng technical at logistic support. Kris Jose