Home HOME BANNER STORY Ressuply mission ng Atin Ito Coalition sa WPS aarangkada

Ressuply mission ng Atin Ito Coalition sa WPS aarangkada

MANILA, Philippines- Planong magsagawa ng Atin Ito Coalition ang pangalawang resupply mission sa West Philippine sea (WPS) ngayong summer.

Sinabi ni Rafela “Paeng” David, co-convenor ng Atin Ito Coalition sa isang panayam na kasalukuyan itong pinaplano at nanawagan sa lahat na gawing normal ang sitwasyon upang malayang makapaglayag ang mga ordinaryong mamamayan sa territorial waters ng Pilipinas.

Sa nalalapit na resupply mission, sinabi ni David na ang Atin Ito Coalition ay muling makikipag-ugnayan sa National Task Force for West Philippine Sea (NTF-WPS) at sa Philippine Coast Guard (PCG) upang matiyak na ang kaligtasan at seguridad ng mga kalahok.

Ang detalye naman kung ilan ang maaaring payagang kalahok at sumama ay hindi pa naisasapinal gayundin ang bilang ng barko na maaaring gamitin sa pagdadala ng pagkain, damit, gamot, fishing gears, solar lamps, at iba pang supply para sa mga uniformed personnel na nagbabantay sa Philippine-occupied features at mga mangingisda na nagha-hanapbuhay sa nasabing katubigan.

Sa ngayon, tinukoy ng grupo ang Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal) na isa sa mga lugar na kanilang kinokonsidera para sa darating na misyon.

Inihayag din ng grupo ang planong pakilusin ang isang delegasyon ng international observers upang lumahok sa misyon.

Disyembre 10, 2023 nang inilunsad ng Atin Ito Coalition ang kauna-unahang civilian-led resupply mission sa WPS upang maghatid ng mahahalagang suplay at pasayahin ang Pasko ng mga mangingisda at frontline workers sa Ayungin (Second Thomas) Shoal at Lawak (Nanshan) Island, dalawa sa siyam na features na saklaw ng Pilipinas sa Spratyly Islands. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleStations of the Cross umarangkada sa Quiapo
Next articleHeart, nakipag-swap ng bracelet sa Swiftie!