Home ENTERTAINMENT Heart, nakipag-swap ng bracelet sa Swiftie!

Heart, nakipag-swap ng bracelet sa Swiftie!

Manila, Philippines – Kahit na anong busy ni Heart Evangelista sa dami ng kanyang schedules at engagement ay may free time pa rin siya para magsaya at manood ng concert.

Ipinost ni Heart ang kanyang panonood ng Eras Tour ni Taylor Swift sa Singapore kung saan kasama niya ang mister na si Senator Chiz Escudero at makikita na enjoy na enjoy sila.

Ibinahagi niya ang isa sa mga larawan sa Instagram Stories kung saan makikitang nasa loob siya ng Singapore National Stadium na siyang pinagdausan ng Eras Tour.

Caption ni Heart, “I shall sleep with a smile. Dream come true.”

Ipinost din niya ang larawan na suot ang friendship bracelets na isa sa “must” kung ikaw ay isang Swiftie.

May ini-repost din siya na isang video kung saan ay makikitang nakikipagpalit siya ng friendship bracelets sa isang fan ni Taylor.

Samantala, hindi lang si Heart ang celebrity na dumayo pa sa Singapore Stadium para manood ng Eras Tour.

Nandoon din ang magdyowang Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang magkapatid na sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga kasama ang kani-kanilang asawa na sina Paul Soriano at Mikee Morada, ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriquez kasama si Kylie Padilla and Dra. Vicki Belo with husband Hayden Kho and daughter Scarlet Snow at marami pang iba. Gerry Ocampo

Previous articleRessuply mission ng Atin Ito Coalition sa WPS aarangkada
Next articleP3B kontrata para sa Land Transportation Management System ipinapawalang-bisa sa SC