MANILA, Philippines – Umabot na sa higit 600 milyong piso ang ibinalik na pera o ‘restitution money” mula sa maanomalyang flood control projects ayon sa Department of Justice (DOJ).
Sa kanyang first 100 days report ibinahagi ni Justice Secretary Frederick A. Vida na kabuuang P611,381,500 ang halaga ng ‘restitution money’ ang narekober ng pamahalaan mula kontrobersyal na proyekto.
Ang naturang halaga aniya ay naideposito na rin ng kagawaran sa Bureau of Treasury.
Habang kanya ring iniulat ang 24 na kaso kanilang tinutukan na may kinalaman sa isyu ng korapsyon sa ‘infrastructure projects’.
Anim rito ang siyang naihain na ng tuluyan bilang kaso, siyam ang inendorso sa Office of the Ombudsman, anim ang ‘submitted for resolution’, dalawang kaso naman ang nasa ‘preliminary investigation’, at isa ang kasalukuyang ‘pending’. Jocelyn Tabangcura-Domenden