Home HOME BANNER STORY Resulta ng 2024 Bar Exams, malalaman na bukas, Dis. 13

Resulta ng 2024 Bar Exams, malalaman na bukas, Dis. 13

MANILA, Philippines – Ilalabas na bukas (December 13) ang resulta ng 2024 Bar Examinations ganap na alas dose ng tanghali sa compound ng Supreme Court.

Nasa kabuuang 10,490 examinees ang nakatapos ng tatlong araw na pagsusulit na idinaos sa 13 testing centers nitong September.

Sinabi ni SC Associate Justice at 2024 Bar Chairperson Mario Lopez na sisimulan ng En Banc ang deliberasyon ganap na alas 10:00 ng umaga.

Imumungkahi ni Lopez na panatiliin ang tradisyon na 75 percent passing rate bagaman ang pinal na desisyun ay nakasalalay sa En Banc.

Sakop ng Bar exams ang Political at Public International Law, Commercial at Taxation Laws, Civil Law, Labor Law at Social Legislation, Criminal Law, Remedial Law, at Legal at Judicial Ethics na may Practical Exercises.

Tiniyak naman ni Justice Lopez na magiging patas ang ipagkakaloob na grado sa mga examinees.

Aniya, maging ang mga naging katanungan sa examination ay balanse at naka sentro sa mga kasalukuyang isyus questions at praktikal na kaalaman na mahalaga para sa mga nangangarap na maging abugado. Teresa Tavares