Home NATIONWIDE Resulta sa autopsy ng NBI, paninindigan ng DMW

Resulta sa autopsy ng NBI, paninindigan ng DMW

MANILA, Philippines – Tiniyak ni Department of MIgrant Workers (DMW) secretary Hans Leo Cacdac na tinutulungan na ng gobyerno an pamilya ng Jenny Alvarado, ang migrant worker na namatay sa coal smoke inhalation sa Kuwait nitong buwan.

Ayon kay Cacdac, nakikipag-ugnayan na ang Overseas Workers Welfare Administration Arnell Ignacio sa pamilya.

Hindi inaalis ng mga awtoridad ang posibilidad ng foul play ngunit sinabi ni Cacdac na paninindigan nila ang resulta ng autopsy na isinagawa ng National Bureau of Investigation noong Biyernes.

Tinitignan din ng mga abogado ng Pilipinas sa Kuwait ang potensiyal na pananagutan ng servce provider o handler para sa maling pagpapauwi ng ibang katawan noong Enero 14.

Sa halip na labi ni Alvarado ay labi ng kanyang Nepalese na katrabajo ang naiuwi sa bansa.

Si Alvarado at dalawang katrabaho ay iniulat na namatay sa paglanghap ng usok ng karbon mula sa keating system ng bahay ng kanilang amo noong Enero 2. Jocelyn Tabangcura-Domenden