Home METRO Retiradong hukom tigok sa road accident

Retiradong hukom tigok sa road accident

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang retiradong hukom habang pito ang sugatan sa vehicular accident sa Cagayan de Oro City noong Linggo.

Si Gael Paderangga, 72, dating hukom sa isa sa mga korte sa lungsod, ay idineklarang dead on arrival sa isang ospital, ayon sa Cagayan de Oro police.

Binabaybay ni Paderangga ang highway malapit sa lumang paliparan nang sumalpok ang kanyang sasakyan na Kia Sorrento sa Toyota Revo na minamaneho ni Joshua Dequiña, 46-anyos.

Si Dequiña at ang kanyang anim na kasama ay dinala sa isang ospital para gamutin ang mga pinsala. RNT