Home METRO ‘Retired prosecutor’ nagalit sa sumitang MMDA

‘Retired prosecutor’ nagalit sa sumitang MMDA

MANILA, Philippines- Sinigawan ng isang lalaking sinabing isa siyang retiradong prosecutor, ang road-clearing team nge Metro Manila Development Authority matapos sitahin ang kanyang sasakyang ilegal na nakaparada sa tabi ng kalsada.

“Alam ko ang batas! I’m a retired prosecutor! Kare-retiro ko lang,” anang galit na motorista.

Aniya, iniwan niya ang kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada sa harap ng simbahan upang dumalo sa misa kasama ang kanyang pamilya. Aniya, hindi niya alam na bawal pumarada roon.

“Na-heart attack na ako kaya ‘wag ka ganyan! Umalis ka na rito! Sige tiketan na n’ya,” anang motorista nang komprontahin si Officer-in-Charge of MMDA Special Operations Strike Force Gabriel Go.

“Calm down, calm down. I’m talking to you nicely,” tugon ni Go.

Matapos ito, sinabi ng MMDA na uminom ang lalaki ng kanyang anti-hypertension medicine.

“Tama yung ginagawa nila. Ngayon ko lang nalaman na bawal,” anang nasitang motorista matapos lumagda sa citation.

Nag-isyu ng violation ticket subalit hindi na-tow ang sasakyan. Sa huli ay kinilala ng motorista na nagkamali siya. RNT/SA