Home HOME BANNER STORY Senate probe sa PDEA leak ipinagtanggol ni Bato

Senate probe sa PDEA leak ipinagtanggol ni Bato

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ang nagpapatuloy na imbestigasyon sa umano’y pagpapakalat sa mga dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Bilang chairman ng Senate committee on public order, pinangungunahan ni Dela Rosa ang imbestigasyon sa umano’y pagkalat ng mga dokumento ng PDEA na nag-uugnay sa ilang personalidad sa illegal na droga, kasama ang authority to operate at pre-operation report noong Marso 11, 2012 na pirmado ni dating PDEA agent Jonathan Morales.

“When you say that I’m legitimizing falsehood? I’d like to disagree that we’re not entertaining, but thank you for this reminder,” saad sa pahayag ni Dela Rosa, na tugon niya sa opening statement ni Senador Jinggoy Estrada sa committee hearing nitong Lunes, Mayo 13.

“Kaya nga tayo nagkakaroon ng hearing, to hear everyone para pakinggan natin sila. Wala po tayong hidden agenda dito. It’s not for us to evaluate ‘yung mga sinasabi nila kung totoo o hindi,” dagdag pa niya.

Sa opening statement, tinukoy ni Estrada ang kahalagahan ng paninindigan sa katotohanan, integridad at pagiging patas sa legislative process.

“Allowing the dissemination of false information and fabricated narratives not only undermines the credibility of our institutions but also jeopardizes the pursuit of genuine justice and accountability,” aniya.

“We must prioritize evidence-based discourse and avoid providing a platform for those who manipulate the truth for personal gain or hidden agendas. By carefully distinguishing between fact and fiction and maintaining a commitment to truthfulness, we can ensure that our legislative hearings serve the best interests of the Filipino people,” dagdag ni Estrada.

Partikular na tinukoy ni Estrada ang komite ni Dela Rosa, “to uphold its duty to the Filipino people by exercising due diligence in verifying the veracity of information presented before it and by refraining from legitimizing falsehoods and fabricated stories.”

Nilinaw ni Dela Rosa ang paninindigan niya sa mga testimonya ng isa sa resource persons sa committee hearings na si dating PDEA agent Morales.

“Meron siyang sinasabi na pinapaniwalaan ko, meron din siyang sinasabi na medyo alanganin ako. Just to set the record straight,” ani Bato.

Siniguro ng senador sa mga kasamahan na hindi niya papayagang magamit ang kanyang komite “for any hidden agenda, or any political or personal agenda.”

“Itataya ko ang buhay ko dito sa hearing na ito as far as objectivity and neutrality is concerned,” pagtatapos ni Dela Rosa. RNT/JGC