MANILA, Philippines – NAMANTALA ng libu-libong mga residente ng Lunsod ng Pasay ang dilim ng gabi upang mainit na salubungin at masilayan ang idol ng bawat isang kabataan at adult nang dumugin ng mga Pasayeños ang isinagawang night motorcade ni re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr.
Maging ang mga naghahanap buhay na galing sa ibang lungsod, transient o nakikidaan lang sa ilang bahagi ng lunsod ng Pasay ay nakibahagi at nakisaya sa motorcade ng reelectionist Senator Bong Revilla Jr. na may tunay na aksyon sa buhay.
Hindi naman binigo ni Revilla ang mga Pasayeños at taga-suporta na masilayan siya na pasado tanghali pa lamang ay naghihintay sa kanya sa kahabaan ng EDSA gayong sa gabi ang motorcade.
Sinikap ng kampo ng Senador na agahan ang motorcade dahil sa dagsang nag-aabang sa kanya sa Pasay habang kasalukuyang naghahayag ng suporta ang Mayors’ League of Municipalities na mayroong mahigit 3,000 miyembro, at opisyales into.
Lubos namang nagpapasalamat si Revilla sa taong bayan sa mainit na pagsalubong sa kanya saan man siyang dako ng bansa magtungo.
Kasama ni Revilla sa night motorcade ang kanyang may-bahay na si Cavite Rep. Lani Mercado.
Tiniyak ni Revilla sa publiko na sa sandaling siya ay muling pagkatiwalaan ng taong bayan na makabalik sa Senado ay titiyakin niyang doble-dobleng aksyon ang ipagkakaloob ng kanyang tanggapan sa lahat ng mga mamamayan.
Ganoon din ay siniguro ni Revilla na mas lalo pa siyang gagawa ng mga batas na higit na makakatulong para sa mga mamamayan at sa bayan.
Bukod sa taong bayan ay nagpapasalamat din si Revilla sa suportang ipinakita sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa pagbuo ng isang alyansa para sa Bagong Pilipinas na naglalayon ng pagkakaisa.
Samantala handa naman si Revilla na maging senator judge sa gagawing impeachmen trial kay Vice President Sara Duterte kung mangyari man ito at muli siyang mahalal na senador.
Ngunit tikom naman ang bibig ni Revilla na magbigay pa ng anumang komento ukol dito lalo na’t siya ay uupong hukom.
Handa namang sumunod at irespesto ni Revilla ang anumang desisyun ng mayorya sa Senado. Dave Baluyot