Home METRO Imprastruktura, turismo tututukan para sa dagdag-trabaho

Imprastruktura, turismo tututukan para sa dagdag-trabaho

Iloilo – Inihayag ni Camille Villar na bibigyang-prayoridad niya ang imprastruktura at turismo upang makalikha ng mas maraming trabaho sa Iloilo kung mahahalal siyang senador sa darating na halalan sa Mayo 2025.

“Passion ko na bumalik sa Iloilo at suportahan ang mga proyekto dito para sa pag-unlad ng lalawigan,” ani Villar sa isang panayam matapos dumalo sa proklamasyon rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas noong Huwebes.

Dagdag niya, ang mga proyektong pang-imprastruktura ay magbibigay ng maraming trabaho, habang ang turismo ay higit na mapapaunlad dahil sa magagandang tanawin at masasarap na pagkain sa Iloilo.

Nakibahagi si Villar sa rally ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas upang ipakita ang suporta at pangakong isulong ang pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng trabaho at kabuhayan. RNT