Home NATIONWIDE Konstruksyon ng mas malaking lungsod sa Quezon province sinisilip ng PH gov’t

Konstruksyon ng mas malaking lungsod sa Quezon province sinisilip ng PH gov’t

MANILA, Philippines- Plano ng national government na lumikha ng bagong lungsod sa lalawigan ng Quezon bilang bahagi ng ‘future plan’ na paluwagin ang Kalakhang Maynila sa gitna ng matinding epekto ng rapid urbanization.

Sinabi ni the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)Sec. Jose Rizalino Acuzar na base ito sa naging kautusan ni Pangulong Ferdnand Marcos Jr. na lumikha ng long-term plan para paluwagin ang National Capital Region (NCR) sa gitna ng napakatagal ng problema hinggil sa matinding daloy ng trapiko.

“The solution is to developed a large new city. There was a proposal to develop this near Quezon near the Pacific Ocean,” ang sinabi ni Acuzar sa Bagong Pilipinas Ngayon briefing.

Maliban sa DHSUD, sinabi ni Acuzar na ang plano ay tinalakay kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Transportation (DOTr) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

“We are currently crafting this plan because this is important. Indonesia already has a similar plan, as well as Malaysia,” dagdag niya.

Sa kabilang dako, tila tinutukoy naman ni Acuzar ang plano ng Indonesia na palitan ang Jakarta bilang ‘capital’ ng bansa, “the reason being the future negative effects of the rapid urbanization and excessive groundwater extraction.”

Ang eksaktong lokasyon ay hindi binanggit subalit sinabi ni Acuzar na pinipilit nilang pagsamahin ang 70,000 ektarya ng lupain sa Quezon province kung saan itatayo ang pinaplanong bagong lungsod.

“Once the 70,000 hectares of land is consolidated, then we will start the actual plan for it,” ayon kay Acuzar.

Winika pa rin niya na inaasahan na nila na ipresenta kay Pangulong Marcos ang nasabing plano sa oras na matugunan na ang lahat ng mga hamon na kinahaharap sa planning stage.

Gayunman, sinabi ni Acuzar na mayroong nagpapatuloy na Metro Manila decongestion plans, kabilang na ang pagtatayo ng mga bayan at bagong housing communities na disente, abot-kaya at katanggap-tanggap sa mga benepisyaryo. Kris Jose