Home TOP STORIES Revilla mainit na tinanggap sa Iloilo sa Team Uswag proclamation rally

Revilla mainit na tinanggap sa Iloilo sa Team Uswag proclamation rally

Mainit na tinanggap ng mga Ilonggo si Senador Ramon Bong Revilla, Jr. sa Team Uswag proclamation rally sa Iloilo City.

Masiglang sumugod ang mga tagasuporta para makapagpa-selfie at mayakap siya, patunay ng kanyang matibay na ugnayan sa publiko.

Binigyang-diin ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas ang kasikatan ni Revilla, aniya, “Ang palangga sa tanan ginalagas, ginahakos, ginahalukan… si Bong Revilla!”

Inendorso ni Revilla ang buong Team Uswag, sa pangunguna ni Inday Raisa Treñas, kasama sina Rep. James “Jojo” Ang, Jr., Pangalawang Alkalde Jeffrey Ganzon, at mga kandidato sa konseho.

Nagpasalamat si Revilla sa mainit na pagtanggap.

“Mga palangga, maraming-maraming salamat sa napakainit niyong pagtanggap! Ramdam na ramdam ko ang inyong pagmamahal! Maraming salamat sa Team Uswag, sa pangunguna ni Mayor Inday Raisa Treñas, Mayor Jerry Treñas, Congressman Jojo Ang, at sa inyong lahat sa inyong dedikasyon at tunay na paglilingkod sa ating mga kababayan. Sa inyo ako humuhugot ng lakas para ipagpatuloy ang aking paninindigan na maglingkod ng tapat at buong puso. Mga Ilonggo, tuloy-tuloy ang pag-uswag! Mahal ko kayo!”

Sa malakas na suporta ng Team Uswag at matinding sigasig ng mga Ilonggo, lalo pang lumalakas ang kampanya ni Revilla habang patuloy niyang ipinapakalat ang mensahe ng aksyon at serbisyo sa buong bansa. RNT