Manila, Philippines – Talk of the town ang diumano’y patama ni Rhian Ramos sa isang show na co-produced ng ex na si Sam Verzosa.
Sa kanyang cryptic post, tinawag niyang “the worst, most unprofessional production experience” ang nasabing project na ginawa niya noon.
Napansin naman ng netizens na ang komento ay sakto sa anibersaryo ng food-trip lifestyle show na Where in Manila, na kanyang hino-host noon sa ilalim ng TV8 production ni Sam Verzosa, na dati niyang dyowa.
Hindi man tinumbok ni Rhian ang show, maraming tsismosang kapitbahay ang nagkaroon ng espekulasyon na ang post niya ay patama sa ex.
Ito ang ilang komento ng mga nagmamarisol.
“Sino pa bang tinutukoy niya kundi ang produksyon ng kanyang ex.”
“The travel and lifestyle show she hosted was produced by her ex, SV. Bakit kaya may hugot.”