Manila, Philippines – Ang dapat sana’y natanguan nang pagdalo sa isang commitment sa US nina Rhian Ramos at Sam Versoza sa November 22 ay hindi na natuloy.
May kaugnayan daw ito sa kumpirmado nang paghihiwalay ng magnobyo of four years.
Oktubre pa nang pumutok ang hiwalayan issue, two months after their fourth anniversary.
But neither Rhian nor Sam would openly admit or deny it.
Pero matunog ang balitang hinakot na daw lahat ng Kapuso actress ang kanyang mga gamit out of Sam’s house.
As for Sam, may kinausap na daw itong abogado at nag-iisip na idemanda ang ilang taong naninira at nagkakalat ng maling tsismis tungkol sa kanya.
Diumano, may ibang babae daw si Sam–dahilan sa likod ng breakup nila ni Rhian.
May mga nagsasabi namang dala lang ng pagiging abala ni Rhian sa kanyang showbiz work ang dahilan ng umano’y pananahimik nila ng nobyo.
Pero gaano katotoo na sa taping daw ng Sang’gre ay matamlay si Rhian?
Kumpirmasyon ba ito that her romance with Sam has gone wrong?
Ano’t anuman, sana y maayos nina Rhian at Sam what needs to be fixed. Ronnie Carrasco III