Home METRO ‘Ribs’ ng tao narekober sa paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa Taal...

‘Ribs’ ng tao narekober sa paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa Taal -DOJ

248
0

MANILA, Philippines – Narekober ng mga awtoridad ang mga buto ng tila mga labi ng tao sa patuloy na paghahanap sa mga nawawalang sabungero sa Taal Lake, lalawigan ng Batangas, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes, Hulyo 17.

“Today, human remains were found in Taal Lake in the area pointed to us by our sources, which was also identified by alias Totoy,” saad ni Remulla sa isang press briefing.

Sinabi ng hepe ng Department of Justice (DOJ) na may kabuuang apat na sako ang narekober mula sa isang partikular na quadrant ng lawa – dalawang puno ng buhangin at dalawang naglalaman ng mga kalansay – sa isang lokasyon na tinukoy ng mga impormante bilang isang dumping site para sa mga biktima.

“What was found in that quadrant of Taal Lake is a positive indication that [Totoy] knew what he was talking about, because what he identified was indeed found there,” ayon kay Remulla.

Ayon sa justice secretary, ang lugar ay kinilala ng grupo ng mga boatmen na pinangalanan ni Patidongan.

Ang mga boatman na ito ay inatasan umano na itapon ang mga bangkay at itinuro ang tiyak na lokasyon kung saan itinapon ang mga bangkay.

Noong Miyerkules, sinabi ni Remulla na tatlong bangkay ang nakuha sa isang lugar malapit sa lawa, na maaaring may kaugnayan sa kaso ng mga nawawalang sabungero o war on drugs ng administrasyong Duterte.

Nitong Huwebes, nilinaw niya na hindi mga drug war victims ang mga ito ngunit may kaugnayan pa rin sa mga nawawalang sabungero.

“The connection to the drug war is that the death squads used here in e-sabong are the same ones commonly used during the drug war, and we can identify the units these people came from. We’ve already linked the histories of some of the officials involved in this,” ayon sa kaniya.

Ang tatlong bangkay na narekober, aniya, ay lumutang sa Taal Lake noong 2020.

“This was taken by the police department at the time and then turned over to a funeral home. Since the bodies were left unclaimed, the police buried them in the usual manner required,” sabi niya.

May mga ngipin pa at medyo nakikilala pa ang mukha sa mga katawan, dagdag niya.

“Hopefully, we can extract DNA once we start tracking. One appears to be female because a woman’s underwear was found in one of the sacks, which strengthens the suspicion. There really was a reported incident about a woman who was abducted in Lipa,” ani Remulla. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here