Home NATIONWIDE Rice processing system sa Isabela ininspeksyon ni PBBM

Rice processing system sa Isabela ininspeksyon ni PBBM

MANILA, Philippines- Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pag-inspeksyon sa Rice Processing System II (RPS II) sa Echague, Isabela.

Ang pasilidad ay bahagi ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program na may kabuuang investment na P67.48 million.

Inilunsad noong November 2024, kasama sa RPS II ang multi-stage rice mill na may kapasidad na tatlong tonelada kada oras na may halagang P48.58 milyon at limang recirculating dryers na may kakayahan na humawak ng 12 tonelada, may halagang P18.9 million.

Layon ng pasilidad na bawasan ang production costs at postharvest losses, na sa kalaunan ay mapakikinabangan ng local rice industry.

Sa kalaunan pa rin ay magreresulta ito sa mas maayos na kita para sa lokal na magsasaka at mas matatag na suplay ng bigas para sa consumers. Kris Jose