MANILA, Philippines – SANIB-PUWERSA ngayon ang Pilipinas at Cambodia para palakasin ang rice production at agricultural trade.
Ang sanib-puwersa ng dalawang bansa ay nananatiling nakahanay sa ‘food security targets ‘ sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Agriculture (DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang memorandum of understanding (MOU) ay magiging kapaki-pakinabang sa paggagalugad ng agricultural cooperation.
“Cambodia will gradually be an important agricultural trading partner as the country diversifies its markets, particularly for rice,” ang sinabi ni Tiu Laurel.
Ang MOU ay nilagdaan noong Pebrero 11 sa isinagawang official visit ni Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet sa Pilipinas.
Sa ilalim ng partnership, maghahanap ang DA ng posibleng trade opportunities sa Cambodia kasama ang iba pang kolaborasyon sa “agricultural planning, animal feed development, animal health protection, irrigation management, and agricultural marketing systems,” at maging ang “non-geographical Indication-protected plant commodities exchange for innovation.”
“Exploration will include possible trade in rice, vegetables, and meat,” ayon sa DA.
Taong 2023, ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia ay tumama sa USD80.50 million, mayroong USD20.40 million na naitala para sa agricultural trade, ayon sa Philippine Statistics Authority. Kris Jose