Home NATIONWIDE Gov’t officials, security personnel, media pinaalalahanan sa local absentee voting

Gov’t officials, security personnel, media pinaalalahanan sa local absentee voting

MANILA, Philippines – Pinayuhan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga piling indibidwal kaugnay sa local absentee voting na itinakda sa Abril para sa 2025 elections.

Sinabi ng Comelec na lahat ng government officials at empleyado kabilang ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) at media practitioners kasama ang kanilang technical at support staff na pansamantalang naka-assigned para gampanan ang kanilang election duties o para ikober ang pagsasagawa ng halalan ay maaring ma-avail ang local absentee voting para sa botohan ngayong taon.

Ang governemnt officials at miyembro ng AFP at PNP ay maaring maghain ng kanilang aplikasyon ng hindi lalagpas ng Marso 7, 2025.

Ayon sa Comelec, maari silang maghain sa kanilang head offices, supervisors, commanders o officers na next-in-rank.

Para sa mga miyembro ng media, maaari rin silang maghain ng kanilang aplikasyon nang hindi lalagpas sa Marso 7, 2025.

Ang Local Absentee Voting ay magaganap sa Abril 28, 29, at 30 sa ganap na 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)