Home NATIONWIDE Rice self-sufficiency ‘di imports, dapat tutukan – solon

Rice self-sufficiency ‘di imports, dapat tutukan – solon

MANILA, Philippines- Bagama’t ikinatuwa ni Agri Partylist Rep. Wilbert Lee ang pangako ng Vietnam sa Pilipinas na tutulungan sa supply ng bigas, nanindigan ang mambabatas na hindi dapat dumepende sa imports bagkus ang dapat na tutukan ay maging “rice self-sufficient.”

Umapela si Lee sa Marcos administration na palakasin ang rice self-sufficiency ng bansa.

“While we thank Vietnam for the assurance that there will be a steady supply of rice to the Philippines, the export policies of other nations are beyond our control and we cannot predict when these will change. Isang halimbawa nito ang desisyon ng India noong nakaraang buwan na itigil ang pag-export ng bigas,” paliwanag ni Lee.

“As such, the best solution to shield ourselves from unpredictable export policies is for us to ensure our farmers are fully supported by our laws, programs, and policies to be able to plant and harvest rice, katulad ng New Agrarian Emancipation Act na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos bilang batas nitong nakaraang buwan lamang,” giit pa ni Lee.

Sa naging pagpupulong sa Vietnam kamakailan ay binigyang katiyakan ng bansa kay House Speaker Martin Romualdez na makaaasa ang Pilipinas ng supply ng bigas sa harap na rin ng naging ban sa importasyon na ginawa ng India. Ang India at Vietnam ang siyang pangunahing importer ng bigas sa Southeast Asia.

Sa panig ni Lee sinabi nito na bagama’t malaking tulong ang ganitong “assurance” ay dapat pa rin na matiyak ng bansa ang food security at isa na rito ang pagkakaroon ng sariling sapat na supply ng bigas.

“Kailangan nating tulungan ang ating mga magsasaka na magkaroon ng kakayahan na makapagtanim at masiguro na mayroon silang aanihin para magkaroon tayo ng sapat na supply ng bigas. Kapag nangyari ito, magiging Winner Tayo Lahat,” pagtatapos pa ni ni Lee. Gail Mendoza

Previous articleLeachon itinalagang bagong Special Adviser for Non-communicable Diseases
Next articlePAALAM AT MARAMING SALAMAT, UNDERSECRETARY MARTIN DIÑO