Home NATIONWIDE Rice Tariffication Law, gustong iparebyu ni Hontiveros

Rice Tariffication Law, gustong iparebyu ni Hontiveros

MANILA, Philippines- Naghain ng isang resolusyon si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros nitong Huwebes upang rebyuhin ang implementasyon ng Republic Act (RA) No. 11203 o ang Rice Tariffication Law (RTL).

Sinabi ni Hontiveros na dapat makabuluhan ang imbestigasyon na maging “evidence-based, consultative and comprehensive.”

“To facilitate the conduct of this review, preliminary investigations are needed to determine its scope and identify other important standards for its effectiveness in addition to the primary benchmark of farmers’ income stated in the IRR (implementing rules and regulations),” ayon kay Hontiveros sa resolusyon.

“These investigations will also aid in enhancing the implementation of the RTL in the period remaining till its expiration in 2025,” dagdag niya.

Sa ilalim ng RTL, naging liberal ang importasyon, pagluluwas at pangangalakal ng bigas sa pamamagitan ng pag-alis ng quantitative import restrictions sa naturang butil.

Nilikha nito ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na taunang pondo na nagkakahalagang P10 billion sa loob ng anim na taon.

Pero sinabi ni Hontiveros na lumawak ang rice smuggling na nagpalugi ng higit P7.2 bilyon noong nakaraang taon dahil hindi nakolekta ang taripa sanhi ng undervaluation at misclassification of rice imports.

Binanggit din ng senador ang 2021 Financial Inclusion Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, na nagsasabing tanging 14 percent ng tinatayang 10 million farmers at mangingisda ang nakarehistro sa Registry of Basic Sectors in Agriculture at pito sa sampung magsasaka ang walang sariling bank account.

“Be it further resolved that this process be consultative, and engage with rice stakeholders, listening to business models, and considering diverse procurement approaches to ensure the RTL fulfills its objectives of enhancing the competitiveness of the rice sector and ensuring food security for the nation,” ayon kay Hontiveros. Ernie Reyes

Previous articlePuganteng Hapon arestado ng BI sa Pasay
Next article30-minutong heat stroke break ibinalik ng MMDA