New York, USA – Sa isang nag-circulate na litrato sa social media, makikitang sighted si Barbie Imperial sa vicinity ng Barclays Center sa Brooklyn sa New York sa Tate kamakailan.
Kasama pala niyang nanood ng Celtics game sa nasabing sports arena si Richard Gutierrez.
Nang maibahagi ito sa isang portal, agad naman itong pinagpiyestahan ng mga nagma-Marisol.
Hirit ng kibitzers, kamukha na raw ni Barbie ang ex ni Richard na si Sarah Lahbati.
May mga nagsasabi ring ang laki na ng naging maturity ni Barbie mula nang ma-link siya sa Kapamilya actor.
Katunayan, may mga nagmamaldita pang ini-intriga ang aktres na gaya-gaya ang dating wifey ng boyfriend.
Pati ang pananamit nito at style ay inuurot na nagbago.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“Is it just me or Barbie really changed her styling after she began dating Richard? Nung una kong nakita yung photo, I was so unsure if this was Sarah or Arci or Pia.”
“Yes, trying hard to look mature.”
“Yep, nag-change din ng lifestyle.”
“Agree. Yung nag Japan pa lang sila the first time tapos short hair na siya—akala ko nung unang tingin, si Sarah L. Tapos her outfits changed din. Everything about her style changed talaga.”
“She’s in her clean girl look phase.”
“Same na same na ang style niya kay Sarah ah.”
“Barbie really changes style depende sa dine-date nya no? Even her looks nag-change din.
In here, she looks like Sarah Labahti talaga.” Archie Liao