Home HOME BANNER STORY VP Sara kay PBBM: ‘Sarcasm was lost on him’

VP Sara kay PBBM: ‘Sarcasm was lost on him’

THE HAGUE- Sinabi ni Vice President Sara Duterte nitong Biyernes na maaaring mali ang pagkakaintindi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pahayag na dapat siyang pasalamatan para sa “renewed relationship” sa kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na nasa kustodiya. ng International Criminal Court (ICC).

“Hindi niya siguro naiintindihan na ang duty and obligation niya ay para sa bayan, hindi para ayusin ang mga personal na problema ng mga pamilya. The sarcasm was lost on him,” anang bise presidente ng kunan ng komento sa pahayag ni Marcos  na “Glad I could help,” base kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro nitong Huwebes.

Kasunod ng kanyang pagbisita kay Duterte sa Scheveningen Prison nitong Martes, sinabi ng bise presidente, kasama ang kanyang kapatid na si Kitty, na kailangan umano niyang pasalamatan si Marcos dahil nagkaroon ng “forgiveness between me and [former President Duterte] for all that has happened in our lives.” 

”Mas maganda po siguro kung magpasalamat muna si VP Sara sa kanyang ama mismo, kay dating Pangulong Duterte, dahil kung siya man po ay nagkaroon ng pagkakataon at nagkaroon ng oras kasama ang kanyang ama ay dahil po ito sa kasong EJK,” tugon naman ni Castro.

Ipinahatid naman ng opisyal ang mensahe ni Marcos.

Nahaharap si Duterte sa paglilitis sa ICC dahil sa umano’y crimes against humanity kaugnay ng kanyang kontrobersyal na war on drugs sa kanyang termino. RNT/SA