MANILA, Philippines- Makararanas ang ilang bahagi ng Mindanao ng maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA nitong Sabado.
Inaasahan sa Davao Region, SOCCSKSARGEN, Zamboanga Peninsula, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ang maulap na kalangitan at kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ, na maaaring magdulot ng flash floods o landslides.
Nakaamba naman ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa northeasterly wind flow.
Posibleng makaranas ang Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ng “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa easterlies.
Iiral sa Extreme Northern Luzon ang moderate to strong winds at moderate to rough coastal water conditions, habang magkakaroon ng light to moderate winds at slight to moderate coastal waters are sa natitirang bahagi ng bansa.
Sumikat ang araw sa Metro Manila ng alas-5:49 ng umaga. RNT/SA