Home NATIONWIDE Rider patay sa pagsalpok sa center island sa Tondo

Rider patay sa pagsalpok sa center island sa Tondo

75
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang rider matapos sumalpok sa center island sa Tondo, Maynila nitong Biyernes, Mayo 29.

Sa ulat, mabilis umanong nagpapatakbo ng motorsiklo ang biktima sa bahagi ng R. Papa Street.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na posibleng nawalan ng kontrol ang rider matapos mag-overtake sa mga sasakyan bago ito sumalpok sa center island.

Ayon naman sa kaibigan ng biktima, galing ito sa inuman at sinubukan pa nilang pigilan na umuwi pero nagpatuloy pa rin ito sa pagmamaneho.

Paalala ng barangay sa mga motorista, huwag magmamaneho ng nakainom para iwas disgrasya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here