Home METRO Rider patay sa tumawid na aso

Rider patay sa tumawid na aso

MANILA, Philippines – Patay ang isang 37-anyos na rider matapos nitong masagasaan ang tumawid na aso at masalpok naman ng isang bus sa National Highway ng Siaton, Negros Oriental.

Ayon sa ulat, biglang tumawid ang isang aso dahilan para hindi makapreno ang rider at tuluyan itong masagasaan.

Dahil dito ay nawalan ng balanse ang rider at sumalpok sa harapan ng kasalubong na bus.

Dead on arrival sa ospital ang biktima.

Batay sa mga awtoridad, normal ang takbo ng bus at napunta sa linya nito ang motorsiklo nang mawalan ng kontrol ang rider dahil sa aso.

Nasa kustodiya ng pulisya ang bus driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. RNT/JGC