Home METRO Sunog sumiklab sa residential area sa Maynila

Sunog sumiklab sa residential area sa Maynila

288
0

MANILA, Philippines – Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Sampaloc, Manila madaling araw ng Linggo, Hunyo 15.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-4 ng madaling araw sa isang bahay sa Basilio Street.

Agad na kumalat ang apoy dahilan para itaas ito sa ikalawang alarma bago mag-4:39 ng umaga.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang BFP sa sanhi ng sunog.

Wala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa insidente. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here