Home METRO Rider sugatan sa panghoholdap ng tandem

Rider sugatan sa panghoholdap ng tandem

146
0

MANILA, Philippines – SUGATAN ang isang Lalamove rider matapos na barilin ng isa sa dalawang hindi nakikilalang holdaper sa Barangay Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima sa alyas Chester, 26, Lalamove Rider, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang braso at dalawang hita na pansamantalang ginagamot sa Candelaria United Doctors Hospital.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Sariaya Municipal Police Station, dakong 1:20 ng hapon habang ang biktima na kasalukuyang nag-aantay ng pick up transaction nang biglang dumating ang mga suspek lulan ng Honda Click Motorcycle at nagpahayag ng holdap sa biktima kasabay ng pagtutok ng baril.

Napag-alaman na mabilis na tinangay ang cellphone ng biktima, bukod dito, bago tumakas ang mga suspek ay isa sa back rider ang bumaril sa biktima.

Nabatid sa ulat na ang mga suspek ay lulan ng kulay itim na Honda Click Motorcycle, pawang nakasuot ng itim at light brown jacket at naka-helmet.

Samantalang patuloy ang isinasagawang dragnet operation para sa ikadarakip ng dalawang suspek. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here