Home METRO Rider utas sa sagasa ng 2 trak sa Pasig

Rider utas sa sagasa ng 2 trak sa Pasig

111
0

MANILA, Philippines – Isang rider ang nasawi matapos maaksidente at masagasaan ng dalawang truck sa harap ng isang gasoline station sa Pasig City bandang 3:05 p.m. kahapon, Miyerkules, Abril 8, 2026, ayon sa Pasig City Police Station.

Batay sa paunang imbestigasyon, ang biktima ay bumabaybay mula kanluran papuntang silangan sa inner lane nang ma-sideswipe ang kanyang sasakyan ng isang puting truck na minamaneho ni “Arjay.”

Dahil sa impact, nawalan ng balanse ang biktima at napunta sa linya ng isang dilaw na truck na minamaneho ni “Leonardo,” kung saan siya ay nasagasaan.

Dead on the spot ang rider dahil sa matinding pinsala, ayon sa Pasig Emergency Unit (PEU).

Agad namang inaresto ang dalawang driver at dinala sa Pasig Vehicle Traffic Investigation Unit (VTIU) para sa imbestigasyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here