MANILA, Philippines – Nagbabala ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng Department of Justice sa publiko hinggil sa pagbebenta ng lamang loob lalo na sa mga gipit sa pera.
Sa isang online post, mariing ipinaalala ng ahensya ang panganib na maaaring magdulot ng ganitong uri ng ilegal na gawain.
Sa ganitong mga panlilinlang, mahigpit na pinag-iingat ng kagawaran ang publiko na mahulog sa patibong kapalit ng halaga para lamang ibenta ang kanilang lamang loob o tinatawag din bilang ‘organ trafficking trap’.
Pero babala sa publiko kapalit nito ang seryosong panganib sa kalusugan at maari pang humantong sa kamatayan ng isang indibidwal.
Paalala pa ng DOJ at IACAT sa publiko na huwag patulan ang ganitong imbitasyon sapagkat hindi matutumbasan ng anumang halaga ng pera ang kaligtasan ng mabibiktima.
Hinimok din ng ahensya ang mamamayan na iulat at isumbong ito sa kanilang ‘1343 Actionline against Human Trafficking’ sakaling makatagpo ng ganitong uri ng kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden