Home METRO Rider utas sa van

Rider utas sa van

ILOCOS SUR- Kamatayan ang sumalubong sa isang 24-anyos na lalaki matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang Toyota Hiace sa Brgy. Saoat, Sta. Cruz ng lalawigang ito kagabi.

Ayon sa mga oaworidad, ang driver ng Mio motorcycle ay residente ng Brgy. San Nicolas, Candon City, Ilocos Sur samantalang ang 38-anyos na driver ng Toyota Hiace ay residente naman ng B20 Excess LP 1 San Isidro, Antipolo City, Rizal.

Ang dalawang sasakyan ay parehong bumibiyahe sa national highway sa nabanggit na lugar.

Papuntang hilagang direksyon ang motorsiklo samantalang papunta naman ng kabilang direksyon ang Toyota Hiace.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, ang motorsiklo ay hinihinalang nasagi ng hindi natukoy na sasakyan na bumibiyahe papuntang timog kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver hanggang sa bumangga ang motorsiklo nito sa nakasalubong na Toyota Hiace.

Dahil dito, nagtamo ng fatal head injury at sugat sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan ang biktima na agad na isinugod sa Ilocos Sur District Hospital sa Sta. Lucia, Ilocos Sur ng mga rumespondeng PNP at LDRRMC-Sta. Cruz personnel.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng Toyota Hiace at ang kanyang mga pasahero. Rolando S. Gamoso