Home NATIONWIDE Riding app sinita ni Tulfo sa unjust dismissal; CEO nagpaliwanag

Riding app sinita ni Tulfo sa unjust dismissal; CEO nagpaliwanag

KINASTIGO ni Senate Committee on Public Services chairman Raffy Tulfo si Angkas CEO George Royeca sa tinawag niyang unjust dismissal ng mga non-professional riders mula sa kanilang platform.

Hindi nagustuhan ng Senador ang biglaang pagsibak sa may 100 non-professional riders ng Angkas sa pagtatapos ng December 2024 sa kabila ng pangakong tutulungan silang maisaayos ang professional rider status nila.

Sinita ni Tulfo ang Angkas dahil hindi tinulungan ang mga non-professional riders hanggang sa masibak dahil hindi naging professional ang kanilang non-pro na lisensyaBinigyang-diin ng Senador na simula pa noong Marso ng nakaraang taon na nakatanggap ng show cause order ang Angkas ay hindi ginawan ng paraan ang kanilang mga rider hanggang sa tuluyang tanggalin sa platform noong Disyembre.

Ipinaliwanag naman ni Royeca na pinayagan nilang bumiyahe ang kanilang non-professional drivers para sa kanilang mga deliveries at sumailalim sa dalawang buwang training at assessment para maconvert sila bilang professional license holders.

Subalit nitong December ay nakatanggap sila ng mga report na nagsasakay ng mga pasahero ang mga rider na paglabag sa Republic Act 4136 na dapat professional driver’s license ang hawak ng mga rider.

Inamin ni Royeca na nagkaroon ng clerical mistake sa kanilang platform dahil bago ang programa kaya’t nakipagpartner na sila sa LTO para maconvert ang kanilang mga rider bilang professional license holders. RNT