MANILA, Philippines – Manila, Philippines – “Hindi tayo aatras sa anumang laban para sa bayan.”
Ito ang naging buod ng talumpati ni House Speaker Martin Romualdez sa unang araw ng resume ng sesyon ng 19th Congress kung saan binigyang diin niyang wala ng makapipigil pa sa Kamara para tugunan ang oversight function nito na imbestigahan ang mga isyu ng hoarding ng bigas, mataas na konsumo at ilang korporasyon na pag-aari ng gobyerno, na-expired at hindi nagugol na pondo ng Philhealth at ang diumano’y maling paggamit sa confidential funds.
“Let this be our promise, public trust is sacred and this house will never betray it. Ang mga umaatake sa atin para tumigil tayo sa mga imbestigasyon, may mensahe tayo sa kanila. Itutuloy natin ang trabaho na naatang sa atin ng mamamayan. Hindi tayo aatras sa anumang laban para sa bayan,” ani Romualdez.
Dagdag pa nito na sa mga susunod na araw ay sisiguraduhin ng Kamara na makapagdaos ng mga oversight hearings upang matiyak na ang pera ng taumbayan at nagugol o naibabalik din sa kanila sa pamamagitan ng magandang serbisyo.
Kabilang sa mga tutumbukin ng imbestigasyon ay ang smuggling ng bigas sa bansa at hoarding na dahilan ng pagtaas ng presyo nito, ang P206 bilyon na disallowed expenditures ng National Grid Corporation of the Philippines; ang P11.18-bilyong halaga ng expired medicines ng Philhealth at ang diumano’y maling paggamit ng confidential funds.
“The People’s Chamber stands as a testament to the enduring strength of democracy within these walls. We do not simply draft laws, we give life to the aspirations of the nation. And we shape the destiny of generations yet unborn,” dagdag pa ni Romualdez. Meliza Maluntag