Home METRO P442K shabu, nasamsam sa HVI na tulak sa Caloocan

P442K shabu, nasamsam sa HVI na tulak sa Caloocan

106
0

MANILA, Philippines – HIGIT sa P.4 milyon halaga ng shabu ang nasabat mula sa isang ginang na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) makaraang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya napaulat kahapon, Enero 13 sa Caloocan City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Capt. Regie Pobadora ang suspek na sia alyas “Tita”, 45, ng Quezon City.

Nag-ugat ang pagkakaaresto sa suspek matapos makumpirma ni Capt. Pobadora, hinggil sa umano’y pagbebenta nito ng illegal na droga sa lungsod kaya isinailalim nila ito sa validation.

Nang positibo ang report, ikinasa ng DDEU ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-9:47 ng umaga sa Galler Subdivision, Brgy., 141 ng lungsod matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Ayon kay Capt. Pobadora, nakumpiska nila sa suspek ang nasa 65 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P442,000 at buy bust money.

Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Pinuri naman ni Col. Ligan ang DDEU sa kanilang hindi natitinag na pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.

“The prompt and effective execution of this operation exemplifies the resolute determination of our personnel in safeguarding the public from the detrimental effects of illicit drugs. We remain steadfast in our mission of protecting the community.” pahayag niya. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here