Home ENTERTAINMENT Sanya, may hugot sa IG, inalaska ng mga netizen!

Sanya, may hugot sa IG, inalaska ng mga netizen!

Manila, Philippines – Sino ba kina Barbie Forteza at Sanya Lopez ang nakipagkalas sa nobyo?

Hindi ba’t obyus naman na si Barbie who ended her seven-year relationship with Jak Roberto, Sanya’s brother?

Kung ganoon, bakit si Sanya ang nagpagupit, now sporting a shorter hair?

Hindi ba’t may kapaniwalaan na pag nakipaghiwalay ang isang babae sa kanyang boyfriend o asawa, it’s always the girl who gets a new haircut?

Ayun, inaalaska lang naman si Sanya ng mga netizens!

Bale ba, tila may pinatatamaan pa raw ito sa kanyang IG Story sa Instagram.

Nag-post kasi ito ng: “God removes people from our life because He heard the conversation you didn’t hear.”

Sino raw ba ang pinariringgan ni Sanya–si Barbie?

Assuming si Barbie nga, ano ba ang atraso nito kay Jak?

Huwag na lang sanang makisali pa si Sanya, after all, tapos na ang relasyong Barbie-Jak.

Kung nagkataong umeere pa ang Pulang Araw at nagte-taping pa ang mga cast members nito, tiyak na hindi kumportable sa isa’t isa sina Barbie at Sanya. Ronnie Carrasco IIi