Home NATIONWIDE Rido sa Maguindanao del Sur tinapos na sa peace pact

Rido sa Maguindanao del Sur tinapos na sa peace pact

273
0

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang linggong negosasyon, matagumpay na naayos ang rido o alitan ng tatlong pamilya sa Pagalungan, Maguindanao del Sur sa pamamagitan ng isang kasunduan pangkapayapaan nitong Martes, Setyembre 23.

Pinangunahan nina Mayor Abdillah “Abs” Mamasabulod at kanyang ama, Konsehal Salik Mamasabulod, ang pag-aayos ng sigalot sa pagitan ng pamilya ni Datu Ting Matalam, Ustadz Norodin Abubacar, at magkakapatid na Enod Guialil.

Ayon kay Mayor Mamasabulod, ang kasunduan ay bunga ng pagsisikap ng kanyang ama, lalo’t ang pinag-ugatan ng hidwaan ay usapin sa lupa at teritoryo.

“This marks another milestone in fostering unity and peace in the community. The reconciliation symbolizes the triumph of forgiveness, which paved the way to end the long-standing conflict between the parties,” anang alkalde.

Saksi sa pagpirma ng peace covenant ang mga pulis na pinangunahan ni Capt. Datumasla Mangalangkat at mga opisyal ng Army’s 40th Infantry Battalion.

Nangako ang mga dating magkalaban, sa harap ng Banal na Qur’an, na hindi na muling gagamit ng dahas at tutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.

Sinabi pa ni Mamasabulod na makatutulong ang kasunduang ito upang matiyak ang mapayapang pagdaraos ng parliamentary elections sa bayan sa Oktubre 13. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here