Home NATIONWIDE Ridon: InfraComm probe sa flood control projects, tuloy

Ridon: InfraComm probe sa flood control projects, tuloy

253
0

MANILA, Philippines – Ipagpapatuloy ng House Infrastructure Committee ang imbestigasyon nito sa umano’y anomalya sa flood control at iba pang infrastructure projects kahit nagsimula na ang pagsisiyasat ng bagong Independent Commission on Infrastructure (ICI).

Ayon kay InfraComm co-chair Rep. Terry Ridon, magtutuloy ang mga pagdinig, kabilang ang sa Bulacan at Benguet, ngunit handa silang ibahagi ang ebidensya at findings sa ICI. “We are ready to furnish all the documents, evidence, and findings… Kahit hindi po kami tapos, pwede na ho namin ibigay,” aniya.

Dagdag pa niya, maaaring magsagawa pa ng isa pang pagdinig bago magpasya kung sususpindihin ang imbestigasyon. Kinuwestiyon din niya kung bakit sinabihan umano ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya na pangalanan lamang ang mga opisyal mula 2022 pataas, at iginiit na dapat ilabas ang lahat ng pangalan mula 2016 hanggang kasalukuyan.

Tinanggihan ni Ridon ang posibilidad ng executive session, aniya, hindi ito usapin ng state secrets. Binalaan din niya na maaaring ma-cite in contempt si Sarah Discaya kung hindi siya dadalo sa susunod na pagdinig. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here