Manila, Philippines- Hindi lahat ng aware sa sinapit ni Rita Daniela sa kamay ni Archie Alemania ay sa kanya ang simpatya.
Sinampahan na nga ng singer-actress si Archie ng kasong acts of lasciviousness sa Bacoor, Cavite City Prosecutor’s office.
Bunsod ito ng insidenteng naganap ss birthday party ni Bea Alonzo noong September 9.
Sa party pa lang ay naringgan na umano ng malalaswang salita si Archie addressed to Rita.
Ang ipinagtataka tuloy ng maraming netizens, kung sa party pa lang ay umiral na ang kabastusan ni Archie dala ng kalasingan nito, bakit pa raw pumayag si Rita na ihatid siya nito hanggang sa bahay niya sa Bacoor?
Pero depensa naman ni Rita, inakala raw niyang hindi mangyayaring puwersahan siyang hahalikan at paghihipuan ni Archie sa mga maselang parte ng kanyang katawan dahil “kuya” ang tingin niya rito.
Maliwanag din na bahagi ito ng salaysay ni Rita sa korte.
Parang unfair o hawa naman sa parte ni Rita na siya na nga itong ginawan ng kahalayan ay siya pang sinisisi sa nangyari.
Hindi pa ba sapat ang kuwento niya para paniwalaang nagsasabi siya ng totoo, lalo’t may admission of guilt sa text message sa kanya ni Archie kinabukasan nang mag-sorry ito? Ronnie Carrasco III