MANILA, Philippines – Makakaapekto sa bansa ngayong araw, Nobyembre 3 ang easterlies at localized thunderstorms.
Ayon sa PAGASA, ang Cagayan Valley, Aurora, Quezon, Bicol Region, at Eastern Visayas ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng kaparehong kondisyon ng panahon dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC