Home NATIONWIDE Batanes inuga ng M-4.4 na lindol

Batanes inuga ng M-4.4 na lindol

MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang Itbayat, Batanes nitong Sabado ng hapon, Nobyembre 2.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang lindol ay naitala sa kanluran ng Itbayat, Batanes bandang 2:27 ng hapon.

Tectonic in origin ang lindol at may lalim na isang kilometro.

Wala namang inaasahang pinsala o aftershock matapos ang lindol.

Sa kaparehong araw, nakapagtala rin ng magnitude 4.5 na lindol sa Mabini, Davao de Oro. RNT/JGC