Home HOME BANNER STORY Duterte no comment sa pagpasa ng transcript ng Senate probe sa ICC

Duterte no comment sa pagpasa ng transcript ng Senate probe sa ICC

MANILA, Philippines – Tumangging magbigay ng komento si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpasa ni dating Senador Antonio Trillanes IV ng transcript ng kanyang testimonya sa pagdinig sa Senado kaugnay sa war on drugs, sa International Criminal Court (ICC).

“Walang ginawa kung hindi magdaldal. Hindi ko nga sinasagot e. Kaya di ko sasagutin,” ani Duterte.

Matatandaan na iniimbestigahan ng ICC ang extrajudicial killing sa war on drugs ng nakaraang administrasyon na kumitil ng mahigit 6,000 drug suspects.

Noong Oktubre 28, humarap si Duterte sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon subcommittee kaugnay sa drug war.

Sa kanyang salaysay, sinabi nito na inaako niya ang full, legal responsibility para sa kanyang war on drugs.

Ani Trillanes, ang transcript ng Senate subcommittee probe ay ipinasa noong Oktubre 30, habang ang transcript ng House QuadComm inquiry ay ipinasa noong nakaraang linggo.

“Yung testimony ko sa Senate, natanong na naman lahat, that would be the meat or substance ng testimony ko,” ayon sa dating Pangulo.

Bago humarap sa Senate inquiry, nauna nang ibinunyag ni retired Police Colonel Royina Garma sa pagdinig ng QuadComm na hiningian siya ng tulong ni Duterte para bumuo ng team sa implementasyon sa buong bansa ng Davao model ng drug war.

Dagdag pa, may alok umanong pabuya sa bawat mapapatay na rug suspect.

Sa pagharap ni Duterte sa mga senador, sinabi nito na hindi niya maalalang tinawagan niya si Garma. RNT/JGC